top of page

Your 14 Different types of Barkada during kainanđŸ€˜

  • Food Buddies
  • Oct 10, 2017
  • 3 min read

In every "barkada circle" nag iiba iba talaga minsan yung ugali natin kapag kainan na. Kaya naman, we are here para ipakilala sainyo ang mga tropa mong hype na hype sa kainan. We have gathered 14 types na siguradong relatable sa barkada circle mo.


1. The SEE-FOOD diet - Sila yung mga tropa mong on-diet. Pero kapag bonding na ng mga tropa at nakakita ng masarap na pagkain attack din agad. “Whenever I see food, I eat it” ang moto nila.



2. The “fit pa rin” – Sila naman yung mga kain ng kain pero di naman nataba. Sila din yung mga payat pero di papatalo sa 10 extra rice. Halimaw sa buffet pero sila’y nananatiling skinny and fit.


3. The “may baon palagi” - ito yung mga tropa mong kuripot, na kahit nasa fast food chain or resto na kayo ayaw pa din gumastos ng pera kaya nagdala na lang ng baon. Sila yung mga nagdadala ng kaldero sa fast food chain para makatipid sa mahal na extra rice.



4. Takaw-tingin - Eto! Sila naman yung mga matatakaw, halos lahat ng pagkaing makita nila gustong kainin kahit di naman nila kayang ubusin. Sila yung mga palaging gutom pero pag nabili na nila yung pagkaing gusto nila ‘di din naman nila kakainin.


5. Buraot Lords - Sila yung mga hindi nawawala sa isang grupo. Sila yung mga tropa mong nabubuhay sa “pahingi dito-pahingi doon” mabubuhay sila kahit saan mo dalhin. "no money no problem" ang moto nila, basta may skill ka busog ka.


6. Palibre ng palibre - parang level 2 naman ito ng mga buraot dahil mas matindi to, dahil isang buong meal na agad ang para sa kanila. Sila yung mga akala mo may ipinatagong kayamanan sayo.


7. Messy - ito yung mga taong ang kalat kalat kumain, mga dugyot hahhaha sila yung mga laging namamantsahan yung uniform or damit kapag kumakain kayo sa labas. Sila din yung mga clumsy sa lamesa, yung palaging nakakahulog ng pagkain at kutsara o tinidor.


8. The Introvert - ito naman yung kunwari mahiyain sa una pero pag kainan na mismo ang takaw naman pala.


9. The emotionals - Sila yung mga tropa mong madrama sa life, mahugot at emo. Sila yung mga idinadaan sa pagkain ang kanilang nararamdaman para mabawasan yung bigat na kanilang nararamdaman.


10. "Kayo bahala" - ito naman yung mga tropa mong palaging hindi alam kung saan gustong kumain o kung ano kakainin, “bahala ka na” ang palagi nilang sinasabi pero kapag nandyan na yung pagkain hindi naman nila magugustuhan. Ang weird.


11. Jollibee - Sila yung mga palaging nauuna sa pagsandok. GG palagi pagdating sa kainan. Takot na takot maubusan, akala mo naman madaming naiambag.



12. The rich kid - kung merong palibre ng palibre, sila naman yung mga palaging nanlilibre sa buong tropa. Sila yung mga masarap kaibiganin, masaya ka na busog ka pa.



13. Exotic - Sila yung mga tropa mong weird na kung ano-nong nilalagay sa pagkain. Yung tipong paksiw yung ulam nyo tapos lalagyan nya ng ketchup at mang tomas. Ang sarap!


14. Foodstagramer - Sila naman yung mga tropa mong kinain na ng Sistema ng intagram. Sila yung mga picture-muna-bago-kain type of people, na kahit gutom na ang buong tropa hindi pa pwedeng kumain hanggat wala pang perfect angle sa perfect shot ng feeling photographer nyong friend.





Sino ka sa mga nabanggit? Share this with your friends😂


 
 
 

ComentĂĄrios


Recent posts

Food Buddies 2017 - Empowerment Technologies

ABM 12-1

bottom of page